team-be-my-lady-copy

NADAGDAGAN pa ang mga parangal na natanggap ng ABS-CBN ng 30 tropeo sa pinakahuling Catholic Mass Media Awards (CMMA) at EdukCircle Awards.

Nakakuha ng 11 na awards ang ABS-CBN sa CMMA, kasama ang ilang mahahalagang awards sa TV at radio. Best News Commentary sa radyo ang Failon Ngayon, samantalang ang katumbas naman nito sa TV na Failon Ngayon ay nanalong Best Public Service Program. Best TV Special ang dokyumentaryo ni Atom Araullo tungkol sa climate change na Warmer sa ANC, the ABS-CBN News Channel (ANC) at nakakuha rin ng special citatation para sa Best News Magazine ang Tapatan Ni Tunying ni Anthony Taberna.

Sa larangan ng entertainment, parehong nagwaging Best Drama Series ang Be My Lady at FPJ’s ang Probinsyano at ang Dance Kids ay napili namang Best Entertainment program. Naiuwi rin ang Best Music Video award para sa music video ng kantang Thank You For The Love tampok ang top Kapamilya love teams. Hinirang namang Best Station ID ang 2015 Christmas station ID ng Kapamilya Network na gamit ang nasabing kanta. Finalist din ang 2015 Christmas station ID ng TFC, The Filipino Channel na “Galing ng Filipino” sa parehong kategorya.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Ang ilan pang Kapamilya winners sa CMMAay ang My Only Radio (MOR) 101.9 na nanalo bilang Best Branded Radio Ad para sa kanilang “MOR Graduation Day.” Nanalo rin ang “Mag-TV Na” ng ABS-CBN Davao na nakakuha ng special citation para sa Adult Educational/Cultural Program.

Sa EdukCirlce, nakamit ng ABS-CBN ang 19 sa 29 na awards ngayong taon. Nag-uwi ng tigatlong awards sina Vice Ganda, Daniel Padilla, at Coco Martin, na napasama sa Hall of Fame for Drama. Ang ilan na sa nasa Hall of Fame na rin ay sina Anne Curtis at Carmina Villaroel-Legaspi at ang kaniyang pamilya para sa Advertising, at ang Salamat Dok anchors na sina Bernadette Sembrano at Alvin Elchico para sa Health Shows.

Samantala, tinaguriang Most Influential Celebrity Endorsers of the Year sina Kathryn Bernardo, Sarah Geronimo, Liza Soberano, Angel Locsin, Enrique Gil, Daniel Padilla, James Reid at Nadine Lustre.

Nagwagi naman ng acting awards sina Bea Alonzo (Most Influential Actress of the Year), Xian Lim (Drama Actor of the Year), at Kim Chiu (Drama Actress of the Year), na kahati sa award ang kapwa Kapamilya actress na si Bela Padilla.

Kinilala naman ang hosting skills nina Boy Abunda (Best Talk Show Host), Piolo Pascual (Best Male Variety Show Host), Toni Gonzaga (Best Female Variety Show Host), Luis Manzano (Best Game Show Host), at si Robi Domingo (Best Talent Show Host).

Nanalo rin ang mga tagapagbalita ng ABS-CBN Integrated News and Current Affairs. Pinarangalan bilang Best Female News Anchor si Karen Davila at si Ted Failon naman ay Best Investigative Journalist of the Year. (ADOR SALUTA)