UNITED NATIONS, United States (AFP) – Ipinagtanggol ng United Nations noong Lunes ang pagpili nito sa comic book character na si Wonder Woman para isulong ang kampanya ng pagbibigay ng lakas sa mga batang babae matapos ang itong punahin bilang insulto sa kababaihan.

Nakatakdang dumalo si UN Secretary-General Ban Ki-moon sa seremonya sa Biyernes upang opisyal na italaga si Wonder Woman bilang UN honorary ambassador for the empowerment of women and girls.

Inanunsyo ito ilang araw matapos mapili si Antonio Guterres, ang dating prime minister ng Portugal, bilang susunod na secretary general, na ikinadismaya ng women’s groups na masugid na nangampanya para magkaroon ng unang babaeng diplomat-in-chief ang mundo.

‘’It’s ridiculous. The campaign for women’s empowerment is represented by a cartoon when there are so many real-life women who could have been chosen,’’ sabi ni Shazia Rafi, isa sa mga lider ng She4SG campaign at dating secretary general ng Parliamentarians for Global Action.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Hiniling ni Rafi, na lumiham kay Ban upang himukin itong ‘wag dumalo sa seremonya at iboykot ang okasyon sa Biyernes, na alisin si Wonder Woman sa kampanya.

Bumuwelta si UN spokesman Stephane Dujarric sa batikos, sinabi niya na ang pagpili kay Wonder Woman ay isa lamang pagsisikap na maabot ang mga kabataan.

‘’In order to reach young people, in order to reach audiences outside this building, we need to be creative,’’ aniya sa mamamahayag.

Hinimok ng tagapagsalita ni UN spokesman ang mga kritiko na hintayin ang formal announcement sa Biyernes bago magbigay ng anumang conclusions tungkol sa mga layunin ng kampanya.

Ang inisyatiba, binansagang ‘’All the Wonders We Can Do,’’ ay magpopokus sa gender equality at women’s empowerment, isa sa global goals ng UN sa susunod na 15 taon.

Dadalo sa okasyon si DC Entertainment President Diane Nelson kasama ang ‘’surprise guests’’ – posibleng ang aktres na si Lynda Carter, na gumanap bilang si Wonder Woman sa patok na TV series noong 1970s.