Hindi lang ilegal na droga ang dapat na tutukan ng administrasyong Duterte kundi maging ang usapin ng pasahod at trabaho sa bansa, upang tuluyan nang maging mapayapa at maayos ang pamumuhay sa Pilipinas.
Ito ang binigyang-diin ni Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng Episcopal Commission on Migrant and Itinerant Peoples (ECMIP) ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), sa panayam ng Radio Veritas kahapon.
“Huwag nating kakalimutan ‘yung iba pa tulad ng pagbibigay ng trabaho,” aniya. (Mary Ann Santiago)