PARIS (AFP) – Nagpadala ang Europe at Russia ng malilit na robot na lalapag sa nagbabagang Mars at maglalagay ng gas-sniffing probe sa paligid ng Red Planet para maghanap ng extraterrestrial life.

Masasaksihan sa high-stakes manoeuvres nitong Miyerkules ang mapanganib na paglapag ng test lander na tinawag na Schiaparelli sa surface ng Mars dakong 1442 GMT, at pagpasok ng Trace Gas Orbiter (TGO) sa gravity loop sa orbit ng ating katabing planeta.

Naglakbay ang pares ng 496-milyong kilometro mula sa Earth simula nang ilunsad noong Marso. Binubuo ang mga ito ng phase one ng ExoMars mission sa pagsisikap ng Europe at Russia na sabayan ang United States sa paggalugad sa Martian surface.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina