NANGUNA ang bandang Green Day sa weekly U.S. Billboard 200 album chart noong Lunes, pinababa si Solange Knowles mula sa unang puwesto at ang mga bagong entry mula kay Norah Jones at sa One Republic.

Ang Revolution Radio ng Green day, ang kanilang ika-12 studio album, ay bumenta ng 90,100 units, 14,000 kanta, at may streaming na 47 milyon, sa kabuuang 95,000 albums unit ayon sa datos ng Nielsen Soundscan para sa linggo na nagtapos noong Oktubre 13.

Pumangalawang puwesto ang jazz singer na si Norah Jones para sa kanyang Day Breaks na bumenta ng 47,000 album unit, at ang pop group namang One Republic ay nag-debut sa pangatlong puwesto para sa kanilang Oh My My na bumenta naman ng 46,000 units.

Nanguna noong nakaraang linggo ang A Seat at the Table ni Knowles, na ngayon ay bumaba sa ikaanim na puwesto.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Itinatala ng Billboard 200 album chart ang mga kopyang naibenta batay sa album sales, song sales (10 kanta katumbas ng isang album) at streaming activity (1,500 stream katumbas ng isang album) Kabilang sa iba pang mga bagong entry ng Billboard 200 album chart ang The Last Hero ng Alter Bridge sa ikawalong puwesto at Three ng Phantogram sa ikasiyam ng puwesto. (Reuters)