Sentro ng programa sa PBA Press Corps Awards Night ang pagbibigay ng parangal sa namayapang si coach Virgilio ‘Baby’ Dalupan —ang tinaguriang ‘Maestro’ sa Philippine basketball.

Gaganapin ang taunang parangal sa Sabado (Oktubre 22) sa Gloria Maris sa Gateway Mall, Araneta Center sa Cubao.

Magsisimula ang programa ganap na 7:00 ng gabi.

Kasamang magbibigay pugay sa dakilang coach ang kanyang pamilya, mga manlalaro, opisyales ng PBA at mga katrabaho na naging bahagi ng buhay basketball ng ‘Maestro’.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Ginabayan ni Dalupang ang Crispa Redminizer – isa sa pinakasikat na koponan sa PBA sa dekada 70 at 80 – sa makasaysayang Grand Slam, gayundin ang Great Taste, at Purefoods.

Pumanaw si Dalupan sa edad na 92 nitong Agosto.

Nagwagi si Dalupan ng kabuuang 15 na kampeonato sa PBA kabilang ang unang grand slam ng liga noong 1976 - isang record na kailan lamang nalagpasan ni Barangay Ginebra coach Tim Cone.

Ibibigay din sa naturang gabi ng parangal ang Executive of the Year, Mighty Sports-Defensive Player of the Year, Bogs Adornado Comeback Player, Mr. Quality Minutes, at Accel Order of Merit. (Marivic Awitan)