Oktubre 19, 1958 nang opisyal na magsara ang “Brussels Universal and International Exhibition,” ang unang fair sa mundo matapos ang World War II. Ito ay dinayo ng halos 42 milyong katao at ito ay may temang, “A World View, A New Humanism.”
Layunin ng fair na hikayatin ang iba’t ibang bansa na magkaroon ng pagkakaisa sa piling ng bawat isa.
Gayunman, ginamit ng mga American official upang i-advance ang “world view” ng United States, at salungatin ang Soviet Union sa “capturing the hearts and minds” ng sangkatauhan.
Ayon kay Baron Moens de Ferning, Belgian Government’s Commissioner General for the Exhibition, ang tema ng fair ay “threshold of a new era.”