Umiskor sa wakas ng panalo sa Russia ang isang Filipino boxer matapos talunin sa 10-round unanimous decision ni dating WBO Oriental lightweight champion Jose Ocampo ang kampeon ng Argentina na si Pablo Martin Barboza kamakailan sa Krylia Sovetov, Moscow City.

Napagtatalo ang lahat ng Pinoy boxer na sumagupa sa Russia kaya sa pagwawagi ni Ocampo na may tatlong sunod na panalo na ngayon sa beteranong kababayan na si Jaime Barcelona, dating WBC ABC Continental lightweight champion Nelson Gulpe at Barboza.

Pinaglaruan lamang sa kabuuan ng laban ni Ocampo ang si Barboza na muling natamo ang Argentinian lightweight crown nang talunin sa puntos si Ruben Dario Lopez noong Agosto 21, 2015 sa Buenos Aires.

Napaganda ni Ocampo ang kanyang kartada sa 20-9-1 na may 13 panalo sa knockouts samantalang bumagsak ang rekord ni Barboza sa 24-10-0 na may 9 pagwawagi sa knockouts.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa panalo ni Ocampo, inaasahang gaganahan ang Filipino boxers na nakalinyang kumasa sa Russia tulad ni dating world rated Dennis Laurente na hahamunin ang walang talong si WBC Asian Boxing Council Silver super welterweight champion Magomed Kurbanov sa Nobyembre 18. (Gilbert Espena)