MADRID (AP) — Lumagda ng tatlong taong contract extension si Brazilian Olympic gold medalist Neymar sa Barcelona nitong Biyernes.
Dahil sa bagong kontrata, bahagi ng kampanya ng Barcelona si Neymar hanggang 2021.
Nauna nang lumagda ng kontrata si Naymar nitong Hulyo na tatagal hanggang sa 2018.
Bunsod nito, natuldukan ang alingasgas na hindi masaya si Neymar sa koponan at nakatakda itong tumalon sa kabilang bakod, kabilang ang pamosong Paris Saint-Germain.
Sa bagong kontrata, nakatakdang tumanggap si Neymar – pinakasikat na player sa Brazil sa kasalukuyan – nang 200 million euros (US$220 million) para sa unang taon.
Halos kapantay nito ang kontrata ng isa pang Barcelona star na si Lionel Messi.
Nasa koponan ng Barcelona ang 24-anyos na si Neymar mula noong 2013.