TODO-suporta ang Department of Health (DoH) sa panukala ng Department of Finance (DoF) na taasan ang singil sa buwis ng sigarilyo at tabako pagsapit ng 2018.

Inihayag ni DoH Secretary Dr. Paulyn Jean B. Rosell-Ubial na makatutulong ang plano ng DoF para tuluyan nang hindi ito makayang bilhin ng publiko, partikular na ng kabataan. Nais ng sin tax o ang Tobacco Law na maprotektahan ang kabataan sa pamamagitan ng hindi pang-eengganyo sa kanila na makaugalian ang paninigarilyo.

Dagdag pa ni Secretary Ubial, ang pagtataas ng singil sa buwis ng mga produktong sigarilyo ay bahagi ng kabuuang estratehiya sa sin tax law para matulungang mabigyang pondo ang mga pampublikong programa para sa kalusugan, kabilang ang pagpapalawak sa Philippine Health Insurance System (PhilHealth) para matulungan ang milyun-milyong Pilipino kapos sa buhay.

“We are still one of the countries with the lowest cigarette prices in Southeast Asia. The cost of our cigarettes here, I think, is just over a dollar (per pack)... In Australia, its 50 dollars...,” ani Dr. Ubial.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Sinabi rin ng kalihim na maaari pa ring makamit ang ninanais na pagtataas ng buwis sa sigarilyo kahit bumaba ang bilang ng mga naninigarilyo (dahil sa pagbabago sa buwis), kaya patuloy pa ring tataas ang kabuuang koleksyon dahil patuloy pa ring bibili ang mga habitual user kahit na tumaas pa ang presyo ng sigarilyo.

Disyembre 2012 nang lagdaan ni dating Pangulo Benigno S. Aquino III ang Sin Tax Reform Bill o Republic Act No. 10351, na may layuning hindi maging accessible ang mga produktong sigarilyo at alak sa publiko, pati na rin ang magbigay ng mas mataas na kita para sa programang pangkalusugan ng gobyerno.

Ikinokonsidera ang batas na ito na isa sa mga pamana ng dating Pangulo na kilalang naninigarilyo rin, ngunit ipinakita ang political will para masugpo ang isa sa mga public health concern ng bansa.

Ayon sa nabanggit na batas, tataas ang sin tax rate ng apat na porsiyento kada taon simula sa 2018 matapos ang unitary rate na mangyayari sa susunod na taon.

Kamakailan, inihayag ng DoF na ipagpapatuloy nito ang pagsasaayos sa singil sa buwis ng sin products, partikular ang mga produktong tabako, sa 2018.

Ayon sa DoF, ang apat na porsiyentong pagtataas kada taon ay “too low” kaya dapat lang na maitaas ito.

Samantala, nagpahayag din ng suporta ang New Vois Association of the Philippines (NVAP) sa panukala ng DoF.

“We believe that there is more room for further increase in the rates of taxes being imposed on these deadly cigarette products, especially after the R.A. 10351 has proven to be effective in being a health policy of the government,” saad ni NVAP President Emer Rojas.

“Cigarette price is a powerful lever in lowering smoking rates, particularly among teens and the poor,” sabi ni Rojas, isang engineer. (PNA)