Umapela ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na palayain na ang mga matatanda at may sakit na preso na matagal nang nagsisilbi ng kanilang sentensiya sa mga pambansang kulungan.

Lumiham si Bishop Leopoldo Tumulak, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care, para hilingin sa Pangulo na bigyan ng executive clemency ang mga naturang bilanggo.

Umaasa si Tumulak na pagbibigyan ng Pangulo ang kanilang apela para sa “compassionate release” ng mga preso, sa pag-obserba ng Simbahang Katoliko ng Church’s Prison Awareness Week at National Correctional Consciousness Week sa Oktubre 24 hanggang 30. Ipagdiriwang rin ng simbahan ang Jubilee of Prisoners sa Nobyembre 5 at 6.

(Mary Ann Santiago)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'