Tatangkain ng bagitong si Philippine Boxing Federation (PBF) bantamweight champion Carlo Demecillo na magpakitang gilas sa pagkasa kay one-time world title challenger Hisashi Amagasa sa Biyernes sa Korakuen Hall sa Tokyo, Japan.
Malaking pagkakataon para sa 20-anyos na si Demecillo na mabigyan ng laban kay Amagasa na muntik magpalasap ng unang pagkatalo kay WBA super bantamweight champion Guillermo Rigondeaux ng Cuba noong 2014 sa Osaka, Japan.
Sa nasabing laban, dalawang beses napabagsak ni Amagasa si Rigondeaux sa 7th round pero nakarekober ang Cuban para sa 11th round technical knockout win.
Galing sa apat na sunod na panalo si Demecillo na may 6-2 karta.
Hawak naman ni Amagasa ang 30-6-2 marka.
Sunod-sunod ang pagkatalo ng Pinoy boxers sa Japan, pinakahuli si Philippine featherweight champion Randy Braga na nabigong maiuwi ang OPBF title nang matalo sa puntos ng kampeong si Ryo Takenaka nitong Oktubre 13 sa Korakuen Hall din sa Tokyo. (Gilbert Espeña)