IPINAGDIWANG ng Rock ‘n’ roll legend na si Chuck Berry ang kanyang ika-90 kaarawan sa pagpapahayag tungkol sa kanyang bagong album sa loob ng 38 taon na ilalabas sa susunod na taon.
May titulong Chucky, naglalaman ang album ng mga bago at orihinal na musika na inirekord at prinodyus ni Berry, ayon sa kanyang record company.
Binuo ng mga anak ni Berry, na sina Charles Berry Jr sa gitara at Ingrid Berry sa Harmonica, ang ilang bahagi ng backing band sa record. Hindi pa inihahayag ang tiyak na araw kung kailan ilalabas ang album.
“What an honor to be part of this new music,” saad ni Berry Jr. sa pahayag. “The St. Louis band, or as dad called us the Blueberry Hill Band, fell right into the groove and followed his lead. These songs cover the spectrum from hard-driving rockers to soulful thought-provoking time capsules of a life’s work.”
Ayon kay Berry, iniaalay niya ang bagong album sa kanyang asawa sa loob ng 68 taon na si Themetta.
“My darlin’ I’m growing old! I’ve worked on this record for a long time. Now I can hang up my shoes!” aniya.
Sa mga tugtuging tulad ng Maybellene, Roll Over Beethoven, at Johnny B. Goode noong late 50s, tumulong si Berry para bigyang pundasyon ang modernong rock music at pangunahing naging impluwensya sa mga banda noong 1960s, kabilang ang Beatles at Rolling Stones.
Pinarangalan ang songwriter at guitar player ng St. Louis Missouri ng Grammy lifetime achievement award noong 1984 at napabilang sa unang class ng Rock and Roll Hall of Fame inductees noong 1986. (Reuters)