Positibo ang pakiramdam ng China sa pagbisita ng lider ng Pilipinas.

Ito ang ipinaabot na mensahe ng Chinese Foreign Ministry habang naghahanda ang gobyerno ng China sa pagdating ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa state visit nito mula Oktubre 18 hanggang 21.

“We believe that as the president of the Philippines, President Duterte considers and makes relevant policies with the national interests and people’s well-being of his country in mind,” sinabi ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Hua Chunying sa isang press briefing na ginanap sa bisperas ng pagbisita ni Pangulong Duterte sa China.

Ang transcript nito ay ipinaskil sa official website ng Chinese Embassy sa Manila.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Binanggit ni Hua ang pagpahayag ni Duterte ng positibong intensyon para makausap ang China at maayos na matugunan ang mga isyu partikular na sa agawan ng teritoryo sa South China Sea.

Sinabi niya na nagkakaintindihan na ang China at Pilipinas na mapayapang maresolba ang mga iringan sa pamamagitan ng negosasyon at konsultasyon.

“The door of dialogue with the Philippines is always open,” diin ng opisyal ng Chinese foreign ministry.

Ayon kay Hua, makakapulong ni Pangulong Duterte si Chinese President Xi Jinping, Chinese Premier Li Keqiang at Chairman Zhang Dejiang, sa magkakahiwalay na okasyon.

“We hope that President Duterte’s visit will help build up bilateral political trust, properly deal with relevant disputes through dialogue, deepen pragmatic cooperation, extend traditional friendship and bring bilateral relations back to the track of sound and steady development,” diin ni Hua. (Roy C. Mabasa)