101716-duterte_brunei_17_malacanang-copy

Bandar Seri Begawan, Brunei – Inihayag dito ni Pangulong Rodrigo Duterte na titiyakin niyang mapapanatili ang mahusay at matatag na bilateral at diplomatic relations ng Pilipinas at Brunei.

Inilarawan ng Pangulo na ‘true friend’ ang Brunei, kung saan sa pamamagitan ni Sultan Haji Hassanal Bolkiah, nakuha ng Pilipinas ang pagsiguro sa mas malalim na kooperasyon sa kalakalan at pamumuhunan, maritime security, kapayapaan sa Mindanao at matatag na Association of Southeast Asian (ASEAN) nations.

“Your sincere hospitality reaffirms the esteemed friendship that is always valued deeply by my people. We will continue to work closely to maintain the excellent ties between our nations and people,” mensahe ni Duterte sa idinaos na state banquet na pinangunahan ni Bolkiah. Dinaluhan ang event ng Royal Family, Philippine delegation, Brunei officials at diplomatic corps.

Human-Interest

Mag-asawang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, pinagtapos naman ang 9 na anak!

Idinagdag pa ng Pangulo na hindi lang ang mga adhikain ng dalawang bansa ang dapat asahan, kundi dapat manaig din ang ‘respect, mutual trust at confidence’ sa pagitan ng dalawang bansa na 32-taon nang nagtutulungan.

Pinasalamatan din ni Duterte si Bolkiah sa pangangalaga sa 23,000 Filipinos na naninirahan at nagtatrabaho sa Brunei.

“The care you have accorded to Filipinos in Brunei including here at the Istana is a living testament to the personal concern and benevolence of Your Majesty for my people,” ayon sa Pangulo. (ELENA L. ABEN)