Hindi na matutuloy ang itinakdang barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections ngayong Oktubre.

Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapaliban sa halalan.

Ayon kay Assistant Secretary Marie Banaag, ng Presidential Communications Office, ito ay alinsunod sa pahayag ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

“According to Executive Secretary Medialdea, it was already signed by the President but he would have to wait for the aircraft that would bring home the signed law and for proper transmittal to the proper offices,” ani Banaag.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Gayunman, hindi naman nito sinabi kung sa Brunei o sa Davao ginawa ni Duterte ang paglagda sa naturang panukala.

Una nang sinabi ni Duterte na suportado niya ang postponement ng barangay at SK polls dahil sa posibilidad na magamitan ito ng pera mula sa ilegal na droga. (Beth Camia)