Tinatayang mahigit sa P200,000 halaga ng ari-arian ang naabo makaraang lamunin ng apoy ang isang apartment sa Quezon City, kahapon ng tanghali.

Ayon kay QC Fire Marshall Sr. Supt. Jesus Fernandez, dakong 12:00 ng tanghali nagsimulang lumagablab ang apoy sa apartment na pag–aari ng pamilya Kaabay, sa Road 2, Barangay Pag-asa, Quezon City.

Ayon sa arson probers ng Quezon City Fire Department, faulty electrical wiring sa kisame ng masters bedroom sa ikalawang palapag ang sanhi ng sunog na mabilis na kumalat sa buong apartment.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog at tuluyang naapula sa loob ng kalahating oras matapos rumesponde ang Bureau of Fire Protection (BFP).

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ayon kay Fernandez, walang nasawi sa insidente habang sugatan naman ang isang residente na kinilalang si Warren Farinas na nagtamo ng first degree burn at patuloy na nagpapagaling. (Jun Fabon)