Oktubre 18, 1963 nang i-launch si Félicette ng mga siyentistang Pranses habang sakay sa isang espesyal na capsule sa tuktok ng Veronique AGI sounding rocket No. 47, upang maging kauna-unahang pusa sa kalawakan. Ang French Centre d’Enseignement et de Recherches de Médecine Aéronautique (CERMA) ang nangasiwa sa launch.

Bumiyahe sa bilis na 120 milya sa ibabaw ng Earth, kinabitan ng electrodes ang utak ni Félicette. Nai-record ang mga naging reaksiyon ng utak ng pusa at ipinadala ang mga ito sa Earth. Inabot ng 15 minuto ang biyahe, at nakabalik nang buhay si Félicette matapos bumaba gamit ang parachute.

Human-Interest

KILALANIN: Mga alkalde ng Metro Manila na nasa huling termino na