Hindi pabor si Malolos Bishop Jose Oliveros sa ideyang ipatupad ang total ban sa paputok.
Sa panayam, sinabi ng pari na ‘unfortunate’ ang nangyari sa Bocaue, Bulacan kamakailan kung saan dalawa ang nasawi at dalawampu’t apat ang nasugatan nang sumabog ang mga paputok sa isang tindahan, pero hindi ito dahilan para mawalan ng pagkakakitaan ang mga tao roon.
“What happened in Bocaue yesterday was an unfortunate incident,” ayon kay Oliveros.
Isa pa umanong dahilan kung bakit tutol ang pari sa ideya, nakagisnan na ito ng bawat Pilipino. “I am not in favor of a total ban because fireworks are already part of our culture and custom,” dagdag pa ni Oliveros.
Sa halip na total ban, sinabi ng pari na mas mainam na magpatupad ng mas mahigpit na safety measures upang hindi na maulit ang aksidente. (Leslie Ann G. Aquino)