RIO DE JANEIRO (AP) – Labinwalong preso ang namatay sa riot sa dalawang kulungan sa Amazon region ng Brazil at mahigit tatlong dosena ang nakatakas sa kaguluhan sa ikatlong kulungan na nagdulot ng malaking sunog sa complex sa labas ng Sao Paulo, sinabi ng mga opisyal nitong Lunes.
Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang posibleng koneksyon ng dalawang riot sa mga estado ng Rondonia at Roraima.
Sampung preso ang namatay sa pag-aalsa sa Roraima, nasa hangganan ng Venezuela at Guyana, habang walo ang napatay sa parehong kaguluhan halos 800 milya ang layo sa piitan sa Rondonia.
Nagkagulo ang magkakaribal na crime gangs habang tumatanggap ng bisita ang mga preso.