101616_duterte_brunei_46-copy

Mainit na tinanggap ng mga Pinoy sa Brunei si Pangulong Rodrigo Duterte.

Si Duterte ay tatlong araw na mananatili sa Brunei para sa state visit.

Pagdating ng Pangulo, maagang nagsara ang ilang tindahan ng mga Pinoy para salubungin ang Pangulo sa pagbisita sa Filipino community kamakalawa ng gabi.

KILALANIN: Bikolanang kakanta ng pambansang awit sa SONA 2024

Tuwang-tuwa ang overseas Filipino workers doon na makadaupang-palad at mapakinggan si Pangulong Duterte.

Pumila ang mga Pinoy sa Hassanal Bolkiah National Sports Complex upang makita ang Pangulo.

Dahil sa sobrang dami ng tao, mayroong iba na umuwi na lamang at sa kanilang bahay na lang pinakinggan ang talumpati ni Pangulong Duterte sa pamamagitan ng internet.

Nabatid na may mga ipinamigay na admission forms ang Philippine Embassy sa mga Pinoy doon bago ang pakikipagkita sa kanila ng Pangulo. (Beth Camia)