Hindi man sagad sa lakas, may nalalabi pang ‘half rice’ na aabangan sa Rain or Shine.

Ipinahayag ng Painters management na tinanggap ni Beau Belga ang alok na ‘maximum salary’ sa loob ng tatlong taong kontrata nitong Lunes para manatili sa kampeo ng Rain or Shine.

Umusok sa kontrobersya ang ROS nang lumipat sa NLEX si coach Yeng Guiao at i-trade ang kanilang top player na si Paul Lee kapalit ni James Yap sa Star Hotshots, gayundin si JR Quinahan -- katambal ni Belga sa taguring ‘extra rice’ – kapalit ni Jay Washington sa koponan ng GlobalPort Batang Pier.

"Sa ROS pa rin si Belga,” pahayag ni Danny Espiritu, ang beteranong manager/agent ni Belga.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Naantala ang paglagda ng kontrata ni Belga dahil sa ilang kahilingan na ayon sa dating Philippine Christian University star ay nakapaloob naman sa UPC (Uniform Players Contract).

Kaagad na sumabak sa ensayo ng Painters si Belga matapos selyuhan ang bagong kontrata. Binigyan niya rin ng mainit na pagsalubong ang bagong teammate na si Yap.

Sa kabila nito, inamin na Belga ang pagkailang, higit sa sitwasyon na makakaharap niya sa court ang dating teammate na si Lee, gayundin ang itinuturin niyang ‘Maestro’ na si coach Guiao.

"Hindi ko nga alam kung ano magiging reaksyon ko pag kaharap na sila, lalo na si coach Yeng," aniya. (Marivic Awitan)