Aabot sa 572-milyong piso ang iniwang pinsala sa agrikultura ng bagyong ‘Karen’ sa Region 5 at Cordillera Region, batay sa paunang report na natanggap ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa ginanap na press briefing sa Malacañang, sinabi ni NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad na maaari pang mabago ang halaga ng iniwang pinsala sa agrikultura kapag natanggap na nila ang mga report mula sa iba’t ibang lugar na tinamaan ng bagyo.

Ayon kay Jalad, tatlo ang naiulat na nasawi subalit inaalam pa kung may kinalaman sa pananalasa ng bagyo ang sanhi ng kamatayan ng mga ito, habang pinaghahanap pa ang limang nawawala.

Nasa 943 kabahayan ang napinsala sa Regions 1, 2 at Cordillera ng bagyong ‘Karen’ na nag-landfall sa Baler, Aurora ganap na 2:30 ng madaling araw noong Linggo.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Handa kay ‘Lawin’

Tiniyak naman ni Jalad na handa ang pamahalaan sa pagpasok ng panibagong bagyo na inaasahang mananalasa sa Northern Luzon at makakaapekto rin sa mga lugar na dinaanan ng bagyong ‘Karen’.

“Right now, our office is initiating preparedness measures in response to the threat of a coming typhoon ‘Lawin’ and based on forecast from PAGASA, it is expected to largely affect the country by Thursday,” dagdag pa ni Jalad.

(Evelyn Quiroz)