Hindi pa mag-iimbestiga ang Office of the Ombudsman laban kay Senator Leila de Lima kaugnay ng umano’y pagkakadawit nito sa illegal drug trade.

Idinahilan ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales na walang matibay na lead na hudyat sana ng agarang imbestigasyon ng anti-graft agency laban sa Senadora.

“It’s not going to happen because lahat pa lang ito ay allegations pa lang eh,” reaksyon ni Morales nang tanungin ng mga mamamahayag kung maglulunsad sila ng sarili nilang pagsisiyasat sa usapin.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kasama rin sa tinukoy nito ang nakabinbin pa ring imbestigasyon ng Department of Justice (DoJ) sa dalawang reklamong kriminal na magkahiwalay na inihain ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) at ng dating National Bureau of Investigation (NBI) deputy directors na sina Ruel Lasala at Reynaldo Esmeralda nitong nakalipas na linggo.

Binanggit sa naturang mga reklamo na “nagkaroon ng sabwatan sa pagitan ni De Lima (noong panahon nito bilang DoJ Secretary), at iba pang opisyal ng ahensya sa illegal drug deal.”

Inihayag din ni Morales na dapat na mabigyan ng pagkakataon ang DoJ upang makapagsagawa ng masusing imbestigasyon ang fact-finding body nito sa usapin.

Kapag aniya naibigay na sa kanila ang kaso at makikitaan niya ito ng “sapat na nilalaman” ay saka pa lamang nila iimbestigahan ang Senadora. (Rommel P. Tabbad)