SHANGHAI (AP) — Ginapi ni Andy Murray si Roberto Bautista Agut, 7-6 (1), 6-1. Para sa kampeonato ng Shanghai Masters nitong Linggo (Lunes sa Manila).
Ito ang ikalawang titulo ni Murray sa nakalipas na dalawang linggo at ikaanim sa kabuuan ng Tour.
Liyamado si Bautista Agut, ang 15th-seeded Spaniard, matapos masilat si No. 1 Novak Djokovic sa semi-final. Ngunit, bigo siyang makagawa ng kasaysayan laban sa pambato ng Great Britain. Wala pang player sa labas ng top 10 ang nagwagi laban sa dalawang top seeded player para makasungkit ng korona sa APT Tour mula nang magawa ito ni David Nalbandian kontra Roger Federer at Rafael Nadal sa Paris Masters noong 2007.