Tumapos sa ikasiyam na puwesto ang Philippine Team Gilas Pilipinas sa katatapos na FIBA 3×3 World Championships sa Guangzhou, China.

Senelyuhan ng Gilas ang kampanya sa matikas na 21-8 panalo kontra Poland para sa 2-2 karta. Sa kabila nito, hindi na nakausad sa quarterfinal ang Pinoy cagers.

Ang Gilas, binubuo nina Mac Belo, Glenn Khobuntin at Karl Dehesa, ay tumapos sa ikatlo sa Pool C. Batay sa format, ang mangungunang dalawang koponan matapos ang elimination ang makakausad sa quarterfinal.

Nanguna sa grupo na kinabibilangan ng Pilipinas ang Spain (4-0) at Hungary (3-1).

Pamilya, naglabas ng opisyal na pahayag sa pagpanaw ni Chino Trinidad

Nagwagi rin ang Gilas kontra Romania, 21-19, at sa Poland kahit na hindi nakalaro ang big man na si Russell Escoto.

Tinanghal na kampeon ang Serbia sa men’s division at ang Czech Republic sa women’s category. (Angie Oredo)