Para mas mapalakas ang Perlas Pilipinas, idadagdag sa line up ng national women’s basketball team ang tatlong naturalized player at ilang Fil-American.

Nagkampeon ang Perlas sa SEABA Women’s Championships sa Malaysia para magkwalipika sa Asian championship.

Sinabi ni Perlas Pilipinas head coach Patrick Aquino na hangad nilang mapabilang sa koponan ang ilang Fil-Ams na susuportahan ng matatangkad na naturalized players upang mapalakas ang tsansa na manatili sa Group A ng sasalihang FIBA Asia at masungkit din ang pinakaaasam na gintong medalya sa 2017 Southeast Asian Games.

“We’re actually looking for center,” sabi ni Aquino. “Ang China ay may apat na 6-7 and then mayroon sila na 6-4 na mga point guard.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“There’s a Fil-foreigner whose age is only 16 by the name Cherry Gupilan. She is a pure-blooded Filipino but is an American citizen, we are still trying to know kung ano magagawa natin, and then this Ella Rodriguez who had here for almost a year of study in Enderun. Sana lang makumbinsi natin sila,” sabi ni Aquino

Isa pang tinututukan ni Aquino na makuha ay ang UCLA mainstay na si Kelli Hayes, isang Filipino-American na hindi mairepresenta ang bansa dahil sa ineligibility.

“We were told by FIBA to write them and formally request for official accreditation of the players. Ipinaliwanag nila sa amin na hindi iyan katulad ng kaso ni Jordan Clarkson na bagaman gustong maglaro sa bansa ninyo ay bigla na lang na isasama sa lineup. Kailangan din may basbas nila,” sabi pa ni Aquino. (Angie Oredo)