Kinalampag ni Senator Bam Aquino ang Department of Trade and Industry (DTI) at ibang ahensya ng pamahalaan para bantayan at pigilan ang pagkalat ng substandard na Christmas lights.

Aniya, malapit na ang panahon ng kapaskuhan at asahan na ang pagdagsa ng mga produktong depektibo na maaaring magdulot ng panganib sa mga mamimili, gaya na lang ng hindi sertipikadong Christmas lights.

Noong nakaraang taon, nadiskubre ni Aquino at ng DTI ang kahun-kahong substandard Christmas lights sa Divisoria at Dapitan.

Umapela rin si Aquino sa mga negosyante na maging responsable sa pagbebenta ng mga produkto at sumunod sa suggested retail price ng DTI. (Leonel M. Abasola)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'