Pinaalalahanan ng isang non-profit watch group ang publiko laban sa paggamit ng baby wipes at facial cleansing wet wipes na may taglay na restricted preservative.

Ayon sa grupong EcoWaste Coalition, marami sa wet wipes ngayon na ipinagbibili sa sidewalks at discount stores, ay hindi rehistrado ng health authorities at nagtataglay ng iodopropynyl butylcarbamate (IPBC), na ipinagbabawal ilagay sa mga produktong pambata, o tatlong taong gulang pababa, alinsunod sa ASEAN and European Cosmetic Directives.

Ang babala ay ginawa ng grupo matapos magsagawa ng market surveillance mula Agosto 28 hanggang Oktubre 12, 2016, at madiskubreng may 30 brands ng baby wipes at cleansing wipes na ipinagbibili sa merkado sa halagang P15 ang hindi rehistrado sa Food and Drugs Administration (FDA).

“This is a cause for concern as these products may contain banned or restricted substances like IPBC that may cause health risk, especially for babies, who are prone to skin allergic reactions,” ayon kay Thony Dizon, Coordinator ng EcoWaste Coalition’s Project Protect.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Nangangamba ang grupo na ang arbitrary disposal ng wet wipes na ginagamit sa paglilinis ng dumi ng mga bata, mukha, ilong at pangtanggal ng make-up, ay nakakadagdag din sa polusyon dahil maaari itong bumara sa sewerage systems at maaaring maging basura sa mga ilog na makasasama sa marine life. (Mary Ann Santiago)