Muling nagbuga ng makapal na abo kahapon ang Bulkang Bulusan matapos ang ilang linggong pananahimik, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa pahayag ng Phivolcs, dakong 7:36 ng umaga nang maitala ang 24 na minutong ash explosion na umabot sa isang kilometro ang taas.

Ang naturang abo ay ibinuga ng bulkan mula sa timog silangang bahagi nito, na nasa bisinidad ng Barangay Mapaso sa Irosin, Sorsogon.

Bukod dito, naitala rin ng Phivolcs ang 24 na pagyanig ng bulkan sa nakalipas na 24 na oras at ang ibinuga nitong sulfur dioxide (SO2) nitong Oktubre 12 ay may average na 79 na tonelada kada araw.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Pinag-iingat na ng Phivolcs ang mga residente sa palibot ng bulkan, dahil na rin sa banta ng ashfall.

(Rommel P. Tabbad)