HOLLYWOOD (CBSLA.com) — Ang acclaimed seven-time Emmy winner na si Allison Janney ang siyang pagkakalooban ng 2,592nd star sa Hollywood Walk of Fame ngayong araw.

“I’m very excited and feel so honored,” tweet ng Mom star nitong nakaraang linggo.

Ang ceremony ay mapapanood sa live streaming sa walkoffame.com.

Makakasama ni Janney sa ceremony sa 6100 Hollywood Blvd. si Richard Schiff, na nakasama niya sa 1999-2006 NBC White House drama na The West Wing at si Chuck Lorre, ang creator at executive producer ng Mom.

Kalokalike ni Awra Briguela, mas maganda pa raw sa kaniya

Nang mapanalunan ni Janney ang kanyang seventh Emmy noong 2015 para makapantay kina Edward Asner at Mary Tyler Moore bilang second most by a performer, aniya, “never in a million, trillion years did I ever think I would be on a list with them.”

Nanalo rin si Julia Louis-Dreyfus ng seventh Emmy as a performer ngayong taon. Si Cloris Leachman ang may hawak ng record na walong awards.

Tinanggap ni Janney ang outstanding supporting actress in a drama series sa Emmys para sa kanyang portrayal bilang White House press secretary na si C.J. Cregg para sa bawat isa sa first two seasons ng The West Wing at apat na nominations at dalawang Emmys bilang outstanding lead actress in a drama series para sa naturang role sa nalalabing bahagi ng show.

Si Janney ang naging third performer na nanalo ng dalawang Emmys para sa magkaibang roles sa iisang taon noong 2014 for outstanding supporting actress in a comedy series para sa portrayal niya sa recovering alcoholic sa Mom at outstanding guest actress on a drama series pata sa Masters of Sex ng Showtime.

Napanalunan niya ang kanyang second Emmy sa role niya sa Mom noong 2015 at naging nominado uli para sa Masters of Sex. Muli siyang na-nominate para sa dalawang series ngayong 2016, pero hindi nanalo sa alinman sa mga ito.

Napapanood si Janney sa dalawang pelikula na kasalukuyang palabas sa mga sinehan — sa dark fantasy na Miss Peregrine’s Home for Peculiar Children at sa mystery thriller na The Girl on the Train. May dalawa pa siyang pelikula na nakatakdang ipalabas ngayong taon, ang Tallulah at nagpahiram naman ng boses ng pink starfish na si Peach sa Finding Dory. (CBS)