Oktubre 17, 1960 nang manguna ang awiting “Save the Last Dance for Me” ng The Drifters sa Billboard Hot 100 chart.
Ang awitin — na halaw sa isang personal na karanasan — ay tungkol sa isang mag-asawa na habang nagsasayaw ay sinabihan ng lalaki ang kanyang misis na dapat ay magkasabay silang umuwi, kahit pa pinayagan niya itong makipagsayaw sa ibang lalaki.
Sa tunay na buhay, nadiskubre ni Doc Pomus, noon ay writer para sa Atlantic Records, ang isang imbitasyon sa kasal sa loob ng isang hatbox, habang pinanonood ang kapatid niyang si Raoul na nagsasayaw kasama ang bagong misis nito. Binuo ng songwriting team nina Doc at Mort Shuman ang mga liriko ng awitin.
Si Ben E. King, na umawit ng solo hits na “Spanish Harlem” at “Stand By Me”, ang nagsilbing lead singer ng grupo para sa Save the Last Dance for Me.
Nalinya sa R&B ang musika ng orihinal na mga miyembro ng The Drifters, at una nilang pinasikat ang “Money Honey” noong 1953.