The 30th Annual American Cinematheque Award Ceremony, Show, Los Angeles, USA - 14 Oct 2016

GINULANTANG ni Russell Crowe ang Hollywood crowd nitong nakaraang Biyernes ng gabi sa kanyang maruming pananalita, iniulat ni Rob Shuter ng naughtygossip.com.

Bilang emcee ng 30th American Cinematheque Awards, sinimulan ng 52-year-old star ang programa sa pahayag na: “All right, American Cinematheque, let’s grab the night by the pu**y!”

Ang wala sa lugar na pananalita ay tila pagbibirong may kaugnayan sa nag-leak na video ng Republican Presidential nominee na si Donald Trump habang nakikipag-usap kay Billy Bush sa Access Hollywood shoot.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Ang Gladiator actor ay nagbitaw din ng ilang political humor.

“It’s a huge year, so don’t forget to vote... for the Academy Awards when that comes around,” biro pa niya.

Pinarangalan nang gabing iton ang director na si Ridley Scott na dinaluhan ng iba pang celebrity na kinabibilangan nina Andy Garcia, Bradley Cooper, Matt Damon at Kristen Wiig.

Ang black tie affair ay ginanap sa International Ballroom ng Beverly Hills Hilton Hotel. (FOX NEWS Entertainment)