PARIS (AP) – Libu-libong katao ang nagmartsa sa Paris upang ipanawagan na ipawalang-bisa ang batas na nagpapahintulot sa gay marriage, anim na buwan bago ang susunod na presidential election sa France.
Nagprotesta rin ang mga nagmartsa noong Linggo laban sa paggamit ng assisted reproduction techniques at surrogate mothers upang tulungan ang same-sex couples na magkaroon ng anak.
Pinapayagan ang assisted reproduction sa France para lamang sa infertile heterosexual couples at ipinagbabawal naman ang surrogacy.
Ang grupong nag-organisa ng protesta at nagpakilala bilang tagapagtaguyod ng tradisyunal na modelo ng pamilya – “one mother and one father.”