Patay ang isang mag-asawang negosyante at teenager nilang anak habang tatlong bata ang nasugatan matapos silang pagbabarilin ng tatlong hindi pa nakikilalang suspek na pumasok sa kanilang rice mill sa bayan ng Sirawai sa Zamboanga Del Norte nitong Sabado ng gabi.

Ayon sa pulisya, isa ang extortion ng armadong grupo sa lalawigan sa mga posibleng motibo sa krimen na kanilang iniimbestigahan.

Batay sa ulat ng Sirawai Municipal Police na nakarating sa Philippine National Police (PNP) headquarters sa Camp Crame sa Quezon City, dakong 6:30 ng gabi nang pasukin ng tatlong suspek ang rice mill ng mga biktima sa Sitio Nara, Barangay San Vicente sa Sirawai.

Sa paunang imbestigasyon ng Sirawai Police na ipinarating sa Zamboanga Del Norte Police Provincial Office, unang pinagtataga at pinagbabaril ng mga suspek ang negosyanteng si Allan King Satera, 50, na agad na binawian ng buhay.

Probinsya

15-anyos na dalagita, patay matapos umanong gahasain ng 13 lalaki

Sunod na pinagbabaril ng mga suspek ang misis ni Satera na si Florgyn, 39, at ang 15-anyos nilang anak.

Niratrat din ng mga suspek ang isang siyam na taong gulang na lalaki, isang limang taong gulang na lalaki at isang dalawang taong gulang, na pawang ginagamot pa sa ospital.

Ayon kay Senior Insp. Regie Torrita, hepe ng Sirawai Police, nagkalat sa lugar ng krimen ang mga basyo ng bala ng Garand rifle, .45 caliber pistol, at .9mm caliber. (FER TABOY)