Walang problema kay Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang legalisasyon ng marijuana, basta gagamitin ito sa medisina.
“Yes, but that is a very long process. It has to be something like being officially certified by the Food and Drugs (Administration) of the Philippines, and it must have this qualifying you know, activity where it is being used to find out if it is really medicinal or it can do something good for the body,” ayon kay Duterte sa panayam ng Al-Jazeera.
“If it is certified by the government that it’s good, fine. No problem,” dagdag pa ng Pangulo.
Ang legalisasyon ng marijuana ay isinusulong na sa Mababang Kapulungan, kung saan nakasaad na krimen pa rin ang pag-iingat ng raw marijuana at paghithit nito na parang sigarilyo. (Genalyn D. Kabiling)