Sa layong makakalap ng impormasyon hinggil sa mga kasalukuyang isyu sa sektor ng paggawa, magdaraos ang Department of Labor and Employment (DoLE) ng Labor Summit ngayong araw.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ang Labor Summit na gaganapin sa Occupational Safety and Health Center sa Quezon City, ay magbibigay daan para sa Kagawaran at grupo ng manggagawa na pag-usapan, bigyang-liwanag at resolbahin ang mahahalagang usapin at isyu sa paggawa at empleyo.

Kasama sa pag-uusapan ang kontraktuwalisasyon at migrasyon na nakakaapekto sa overseas Filipino workers (OFWs) at kanilang pamilya.

Layunin din ng summit na makakuha ng impormasyon mula sa sektor ng manggagawa tungo sa pagpapatupad ng istratehiya, polisiya, programa, at mga gawain na susuporta sa pagpupunyagi ng eight-point policy agenda ng kalihim.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

(Mina Navarro)