Sinabi ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista na hindi siya natitinag sa mga banta ng impeachment dahil sa pagpahintulot niyang itigil ang mga paghahanda para sa barangay at Sangguniang Kabataan (SK) polls, sa kabila ng kawalan ng batas na nagbibigay ng awtorisasyon sa election body na gawin ito.

Ayon kay Bautista, kumpiyansa siya na hindi magtatagumpay ang impeachment complaint dahil sinusunod lamang ng Comelec ang mga hakbang ng House of Representatives at Senado.

Muli niyang idiniin na ang desisyon ng Comelec na mag-isyu ng Resolution No. 10164, na sumususpinde sa mga aktibidad gaya ng biddings at procurements, kaugnay ng halalan para sa barangay at SK sa Oktubre 31, 2016 , ay isinagawa ‘in good faith’. (Samuel Medenilla)

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho