Oktubre 16, 1978 nang naging santo papa si Cardinal Karol Jozef Wojtyla, ngayo’y Saint John Paul II, na naging unang Pope na nagmula sa Poland.

Kasunod ng pagpanaw ni Pope John Paul I (Albino Luciani) makalipas lamang ang 33 araw sa puwesto (mula Agosto 26 hanggang Setyembre 28), nagsagawa ng panibagong pagpupulong ang Vatican noong Oktubre 14 – sampung araw matapos ilibing si Luciani—at lumabas si Wojtyla, na isinilang sa Wodowice, Poland, sa ikawalong balota sa ikatlong araw (Oktubre 16) ng pagpupulong, na ang 99 na boto ay mula sa 111 bumoto, ayon sa Italian press.

Kinilala si John Paul II sa pagtulong niyang matuldukan ang Komunismo sa kanyang bansa at maging sa buong Europa.

Pinag-ibayo rin niya ang ugnayan ng Simbahang Katoliko sa iba pang mga relihiyon. Isa sa mga pinuno sa mundo na pinakamadalas na naglakbay, nakabisita si John Paul II sa 129 na bansa sa termino niya bilang papa.

Trending

VIRAL: Babaeng bagong panganak, hindi naisipang bilhan ng pagkain ng asawa: 'Sorry lab, sa akin lang to'

Pumanaw siya noong Abril 2, 2005; na-beatify ni Pope Benedict XVI noong Mayo 1, 2011; at idineklarang santo ni Pope Francis noong Abril 27, 2014.