SA wakas, nagsalita na si Department of Tourism Secretary Wanda Corazon Teo tungkol sa espekulasyon na hindi matutuloy ang pagdaraos ng Miss Universe beauty pageant sa ating bansa sa January 2017.

“I would like to tell everybody that the Miss Universe will push through. In fact, we are going to do a press conference on Monday (October 17). We will be telling everybody of the event and the auxiliary events. The sponsors will be there. Miss Universe president Paula Shugart and Pia (Wurtzbach) will be there,” pahayag ni Madam Teo na napanood din sa TV Patrol.

Nauna nang sinabi ni DoT Undersecretary Kat de Castro na na-misinterpret ang kanyang post sa social media at hindi totoong kanselado ang pageant sa ating bansa.

Kaya umaapela si Ms. Teo sa mga nagpapakalat ng maling tsisimis na tigilan na ito dahil wala itong katotohanan. Huwag daw itong haluan ng pulitika.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Dapat huwag na lang, because this will create jobs, employment. Tourist arrivals, of course, will increase -- at hindi lang ito one time, this will be continuous because after the Miss Universe, the Philippines will be in the world map and people will start coming,” katwiran ng DoT secretary.

“This is a free country, everybody can say what they want. But at the end of the day, they should also respect the opinions of others who would want the Miss Universe to be held here in the Philippines,” dugtong pa niya.

(ADOR SALUTA)