ROME (AFP) – Binanatan ng movie star na si Tom Hanks si US presidential candidate Donald Trump nitong Huwebes.
Tinawag niya itong “a simplistic, self-involved gasbag of a candidate.”
Nasa Rome si Hanks para tumanggap ng lifetime achievement award sa film festival ng lungsod, at nakipagbiruan sa press bago ang seremonya tungkol sa pagkakatulad ni Trump at ni dating Italian prime minister Silvio Berlusconi.
‘’Why the Trump?’’ aniya, ginaya ang isa sa maraming Italian journalists na nagbato sa kanya ng parehong katanungan, bago sinagot ang sarili na: ‘’You’re Italian. Why the Berlusconi?’’
Dumalo ang bituin sa world premiere ng kanyang bagong pelikulang ‘’Inferno’’ noong nakaraang linggo sa Florence.
‘’Every four years, the circus comes to town in the United States. Every four years, we decide who’s going to be the leader,’’ dagdag niya.
‘’It’s always at some form of crossroads. Often there is a fever pitch of fear and anxiety. Sometimes it’s warranted, and other times it’s manufactured.’’