Umaasa ang chairman ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms na mapipirmahan na ngayong linggo ang panukalang batas na naglalayong ibinbin ang barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.

“Nasa mesa na daw ni Presidente. Sana ay mapirmahan bukas, Monday or Tuesday,” ayon kay Citizens Battle against Corruption (CIBAC) partylist Rep. Sherwin Tugna.

Nakatakda sa Oktubre 31 ang eleksyon, at ililipat ito sa ikaapat na Lunes ng Oktubre, o sa Oktubre 23, 2017. Ang incumbent SK at barangay officials ay mananatili pa ng isang taon sa pwesto, maliban na lamang kung sila ay inalis o suspendido.

Samantala sinabi naman ni Speaker Pantaleon Alvarez na sa pamamagitan ng pagbinbin sa eleksyon, magkakaroon ng sapat na panahon ang Kongreso para talakayin at pagtibayin ang panukalang buwagin na ang barangay council at SK.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sinabi naman ni Camarines Sur Rep. Luis Raymund Villafuerte na makakahinga na ang Commission on Elections (Comelec) at mga guro na katatapos lang sumabak sa May 9 polls. (Charissa M. Luci)