NAPILI ng first-party studio ng Microsoft na The Coalition ang isang Pinoy digital solution studio para gumawa ng 3D arts assets para sa bago nitong ilulunsad na laro na “Gears of War 4” para sa Xbox at Windows.

Hinirang ang Synergy 88 Digital, Inc. bilang development partner sa paggawa sa background ng “Gears of War 4.”

Opisyal na inilunsad sa buong mundo noong Oktubre 11, ang “Gears of War 4” ang pinakabagong kabanata sa franchise na Gears of War.

World-class ang kalidad na ibinigay ng Synergy 88 Digital at nagawang matapos ng kumpanya ang trabaho sa tamang oras na kailangan na ito ng The Coalition, ayon kay Walter de Torres, director of production ng The Coalition.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Sa press conference noong Biyernes, isang kinatawan ng Board of Investment (BOI) ang nagsabing si De Torres ay isang Pilipino.

Inihayag ng kinatawan na nagtungo si De Torres sa Pilipinas para makita ang kakayahan ng Synergy 88 Digital.

Itinataguyod ng BOI ang bansa bilang isa sa magagandang pagpipilian bilang investment destination sa game development at animation industry sa international gaming industry simula 2014.

Nakilala ng Microsoft ang Synergy nang nagkaroon ng Philippine booth ang BOI sa isang international conference.

”With the steady economy growth and the continued public and private support, we are confident that the industry will remain on its positive growth path in the years ahead,” ani Angelica Cayas, director of international investments promotion service ng BOI.

Samantala, anim na katao mula sa synergy ng proyekto ang kasama sa The Coalition.

”Our investment in hardware and software, and in human resource is paying off,” saad ni Jackeline Chua, managing director at co-founder ng Synergy 88.

Naghahanda rin ang Synergy 88 para sa pagpapalawak ng kumpanya. (PNA)