afril-bernardino-fiba-11171-copy

Muling susubukan ni Afril Bernardino na maging unang Pilipina at maging sa rehiyon ng Silangang Asya na makapaglaro sa prestihiyosong Women’s National Basketball Associaiton (WNBA).

Ito ang sinabi ni Perlas Pilipinas head coach Patrick Aquino ukol sa kanyang ipinagmamalaking manlalaro na si Bernardo na tinanghal na Most Valuble Player s sa katatapos lamang na SEABA Women’s Basketball Championship sa Malacca, Malaysia.

“We will send her to US to have a try-out to different teams,” sabi ni Aquino. “Wala naman mawawala sa kanya but for her to gain valuable inputs. Maitutulong at mai-share din niya sa amin ang kanyang mga matutunan doon,” dagdag pa ni Aquino.

Human-Interest

Dating ALS learner, isa nang ganap na police officer

Si Bernardino ang kasalukuyan din na UAAP women’s basketball MVP at maraming napanalunang korona para sa multi-titled National University Lady Bulldogs.

Ang 20-anyos na si Bernardino ay una nang idineklara na NBA Eligible noong 2013 subalit hindi na-draft. Bagaman umaasa na makukuha ng mga koponan sa WNBA ay pilit din n kukuha ng mga bagong taktika at istratehiya si Bernardino na maibabahagi nito sa pambansang koponan na naghahanda naman para sa pagsabak nito sa mas mahirap na FIBA Asia.

Kasama si Bernardino ay nagawang iuwi ng Perlas Pilipinas ang ikalawa nitong gintong medalya sa kada taon na torneo at naging daan upang masungkit ang pinakaunang karangalan bilang MVP ng torneo.

Target ng koponan na masungkit sa kauna-unahang pagkakataon ang gintong medalya sa women’s basketball sa susunod na taon na 2017 Southeast Asian Games na gaganapin sa Malaysia na asam nito na maging tiket tungo sa pagsabak sa una nitong paglahok sa 2018 Indonesia Asian Games. (Angie Oredo)