Winalis ng National University, 3-0, ang Ateneo de Manila sa Game 2, Sabado para maangkin ang men’s title ng UAAP Season 79 badminton tournament sa Rizal Memorial Badminton Hall.
Dahil sa panalo, nakumpleto ng Bulldogs ang double sweep sa kanilang best-of-three series katapat ang Lady Bulldogs sa pag-angkin sa target na 3-peat at ikaapat na kampeonato sa nakalipas na 5 taon.
Nagawa ring hatakin ng Bulldogs ang panalo sa kabuuang 27-laro sa pamumuno ni reigning MVP Leeward Pedrosa.
Tinalo ni Pedrosa ang rookie na si Keoni Asuncion, 21-13, 21-10, sa second singles.
Bilang konsolasyon para sa Blue Eagles, ibinigay ang parangal kay Asuncion bilang Rookie of the Year.
(Marivic Awitan)