Pinulong ng Philippine National Police (PNP) officials ang mga organisasyong gumagawa at nagbebenta ng paputok, matapos ang aksidente sa Bocaue, Bulacan, kung saan dalawa katao ang nasawi at 24 iba pa ang nasugatan.

Ayon kay Senior Supt. Dionardo Carlos, tagapagsalita ng PNP, ang pulong ay naglalayong bumalangkas ng panuntunan para maiwasan ang kahalintulad na insidente.

“There were issues and concerns discussed during the meeting,” ayon kay Carlos, kung saan nanguna umano ang Firearms and Explosives Office (FEO) sa pag-imbita ng mga negosyante.

Dumalo sa pulong ang mga kinatawan ng Philippine Fireworks Association at Philippine Pyrotechnics Manufacturers and Dealers Association. Tinumbok sa pulong ang safety measures na kanilang patatatagin.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“These associations are also involved in the conduct of fireworks safety seminars for fireworks safety and operations nationwide,” ayon pa kay Carlos.

Bukod sa pagtutok sa factory at tindahan ng mga paputok, bantay din ang PNP sa casualties tuwing idinaraos ang bisperas ng Bagong Taon. (Aaron Recuenco)