Isinusulong ni Senator Cynthia Villar ang paggamit ng mga lokal na hayop o “natives” bilang alternatibong solusyon sa kakulangan ng karne sa bansa.

Aniya, mas mura at madaling alagaan ang mga native na hayop dahil umaayon sa klima ng ating bansa ang pag-aalaga ng mga native na manok, baboy at baka.

Sa ulat ng Department of Agriculture (DA) tumaas mula sa 15 kilo per capita hanggang 35 kilos per capita ang konsumo natin ng karne at hindi sasapat ang 2.5 milyong karne ng baka, manok at baboy para mapakain ang nasa 105 milyong Pinoy.

“We should turn to native animals to help us feed the growing population. We have seen problems raising imported cows; our climate is changing and these animals cannot adapt. Whereas iyong ating native animals kayang-kaya nila ang climate change dito sa Pilipinas. Siguro in our program, dapat i-emphasize din iyong native animals,” ani Villar.

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?

(Leonel M. Abasola)