MAGANDANG balita ang tinanggap ng Harry Potter fans noong Huwebes.
Nagpahayag ang awtor na si J.K. Rowling na hindi lang tatlo, mula sa dating inihayag, kundi limang pelikula ang magiging Potter spinoff movie franchise ng Fantastic Beasts.
“We set a trilogy as a placeholder because we knew there would be more than one movie, but… we’re pretty sure it’s going to be five movies,” saad ni Rowling.
Sorpresang dumalo ang British author ng best-selling na Harry Potter books sa isang question-and-answer event, kasama ang mga cast ng Fantastic Beasts sa London at Los Angeles na napanood sa buong mundo.
Naghiyawan ang audience nang marinig ang balita, at maging ang cast, kabilang ang Oscar-winner na si Eddie Redmayne, ay tila nasorpresa rin nang marinig ang balita sa unang pagkakataon. Ilalabas ang mga pelikula ng Warner Bros, unit ng Time Warner Inc.
Ipinahiwatig sa apat na minutong featurette ng Fantastic Beasts noong Huwebes na mas magiging malawak na istorya ng pelikula.
“We’re talking about the first time a wizard rose and threatened the world order. This was always where I was interested in going. This is what I wanted to do,” ani Rowling sa featurette.
Idinagdag pa niya sa 4-minute video na ang mga bagong pelikula ay papantay sa Potter stories sa nakagugulat na paraan.
Ipinakita sa fans na dumalo sa event ang unang sampung minuto ng Fantastic Beasts, na ipapalabas na sa Nobyembre 18.
(Reuters)