Unti-unti nang nagkakaroon ng katuparan ang kampanya ng pamahalaan na mawakasan ang ‘endo’ o end of contract, matapos na boluntaryong gawing regular ng 195 employer ang may 10,532 manggagawa na sumailalim sa konsultasyon at pagbusisi ng Department of Labor and Employment (DoLE) regional offices sa buong bansa.

“Sa loob lamang ng 100 araw, 10,532 ang ginawang regular ng kanilang mga employer. Ito ay nangangahulugan na tama ang ating tinatahak para sa ating layunin na bawasan ang iligal na kontraktuwalisasyon at ‘endo’ ng 50 porsiyento bago matapos ang 2016 at tuluyan na itong matigil sa 2017,” ani Labor Secretary Silvestre Bello III.

Sinabi ni Bello, ipinatutupad ng Kagawaran ang dalawang bahagdan upang matigil ang ilegal na kontraktwalisasyon, kasama ang labor-only contracting at ‘endo’.

Sa unang bahagdan, nagsasagawa ang DoLE Regional Office ng mga konsultasyon at pagpupulong upang himukin ang mga employer na magregular ng empleyado.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Para sa pangalawang bahagdan, magsasagawa ang Labor Laws Compliance Officer ng inspeksyon ng mga establisyemento, principal at contractor na nagpapatupad ng ‘endo’ at labor-only contracting.

Ang mga nagpapatupad ng labor-only contracting ay sasailalim sa mga pagpupulong upang tulungan sila sa pagtupad sa mga batas-paggawa. (Mina Navarro)