Sa unang pagkakataon ay dadaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte upang maging pinakaunang pinakamataas na opisyales ng bansa na nagpasimula at naging panauhing pandangal sa pagbubukas ng grassroots sports development program na 2016 PNYG-Batang Pinoy National Championships na gagawin sa Tagum City at Davao Del Norte.

Ito ang ipinahayag nina PSC Commissioner at Batang Pinoy In-charge Celia Kiram, commissioner Charles Maxey, PSC executive assistant to the Chairman Ronnel Abrenica at Research and Planning head Dr. Lauro Domingo sa isinagawa na paglulunsad ng torneo na para sa mga kabataang atleta na edad 17 pababan.

“Yes, he (Pangulong Duterte) promised to grace the Batang Pinoy,” sabi ni Abrenica, na siyang nakikipag-usap sa lokal na pamahalaan ng Tagum City at sa probinsiya ang Davao Del Norte sa pagho-host sa ikalawang pinakamalaki na sports event sa bansa matapos na mag-host ng Palarong Pambansa noong 2014.

“Actually, Dumaguete was the first choice pero bigla na lamang may tumawag sa amin mula sa Malakanyang that there was an earlier agreement na naipangako na ang susunod na pagsasagawa ng Batang Pinoy sa Tagum, so we had to apologized for Dumaguete and proceed staging it sa Tagum,” paliwanag pa ni Abrenica.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Kabuuang 28 sports ang isasagawa kung saan tanging ang gymnastics lamang ang gagawin sa Maynila.Inaasahang aabot sa 10,000 katao na binubuo ng 9,000 atleta mula sa Luzon, Visayas at Mindanao at 1,000 technical official ang magpapartisipa sa torneo.

Ang PNYG-Batang Pinoy ang siyang pinagkukunan naman ng mga batang atleta na ipinapadala ng bansa sa kada apat na taon na Children of Asia International Sports Festival na ginaganap sa Russia at gayundin sa kada apat na taong Asian Youth Games na ito naman ang qualifying tournament para sa Youth Olympic Games. (Angie Oredo)